Tuesday, March 25, 2008

Lipad ng Pangarap

I love this song the first time i ever heared it. The lyrics says a lot and thus reflects something in ones lives. March is month of graduation and i may suggest this one is a nice graduation song to pick. I dedicate this to all the Graduates of 2008, most specially to my sister, Wennie.

Lipad ng Pangarap
Composer: Arnel de Pano
Singer: DESSA

taglay mo sa bagwis ng 'yong paghayo
ang pangako ng walang hanggang bukas
pabaon man sa 'yo'y hapdi ng puso
aabutin ang pangarap

at ang bunga ng wagas mong pagsisikap
pag-unlad nitong bayang nililiyag
kapalit ng dalamhati't paghihirap
pag-angat ng kabuhayang marilag

CHORUS
liparin mo ang hangganan ng langit
sa ulap ng pag-asa ay iyong makakamit
ang tagumpay na bunga nang iyong pagpupunyagi
pangarap ng inang bayang tinatangi

(balakid man sayo hapdi ng iyong puso aabutin ang pangarap)

tutularan ka ng sunod na salinlahi
kapuri-puring pag-aalay ng lakas
nagpupugay sa makabagong bayani
ang buong bansa'y nagpapasalamat

Repeat Chorus

REFRAIN
ingatan mo ang lipad ng pangarap
umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
kakampi mo sa dulo ng lahat ng 'yong pagpapagal
ang tamis na dulot ng iyong tagumpay
ang tamis na dulot ng iyong tagumpay

ang tamis na dulot ng iyong tagumpay

No comments: